Pages

Tuesday, August 19, 2008

Stoplight


Pula.
Tao.
Mausok ang kalsada ng Espanya.
Matagal pa to.
Ang gara ng katabi ko.
Saan kaya ang punta nito?

Makulimlim.
Tahimik.
Linggo na naman at takipsilim.
Mahirap ata 'to.
Maaring wala na 'kong balikan dito.
Tatawid na ba 'ko?

Bawal.
Pag-ibig.
Gisingin ako ng sakal at sampal.
Isang luksong tinik ng kamay.
Pito, pito, pito bago malumbay.
Bawal tumawid, nakamamatay.

No comments: