Kubli ka ng oras na noo'y masukal.Lamay ng haplos at damdaming tigang.
Dito ka lamang hihintayin.
Habang lahat ng mundo'y kalbaryo'ng ikot.
Tigil ang pag pigil ng monumentong pangarap.
Balingkinitan sa mata ng pusong taksil.
Iwan mo lang ako.
Dahil walang pag takbo dito sa 'ting mundo.
Walang patak, walang hangin, uhaw.
Noon pang iwan ng haring tadhana.
Mahalin mo lang ako.
Kahit sikip sa sikip hindi na malay tao.
Dahil sa kuwadradong litratong bigay mo,
gawa sa puso't luha, pawis at halik,
dito lang tayo,
kahit ang mundo't ika'y iiwan ako.


No comments:
Post a Comment