Talo ko si Superman,Kung bilis lang din ang paguusapan.
Talo ko si Batman,
sa kanyang bangis at kahayupan.
Talo ko si Storm,
mas mahangin ako doon.
Talo ko si Phoenix,
mas hot pa ko sa bulkang Mayon.
Talo ko silang lahat,
Talo ko kayong lahat,
dahil malakas ako
at hindi ako iiyak.
Wag ka lang uulan.
pag ako'y mag-isa.
Wag ka lang uulan.
wala akong kasama.
Dahil pag ako na lang sa kama,
naaalala at iniisip ka,
hindi ko na kaya.
hindi ko na kaya.
Kaya pakiusap,
Wag ka nang uulan pa.
Talo ko ang hunyango,
kaya ko ding magtago,
Talo ko ang alzheimers,
sa paglimot ko sayo.
Kaya ko itong lahat,
kaya natin tong lahat,
dahil matibay ka,
at hindi ka iiyak.
Wag ka lang uulan.
pag ako'y mag-isa.
Wag ka lang uulan.
wala akong kasama.
Dahil pag ako na lang sa kama,
naaalala at iniisip ka,
hindi ko na kaya.
hindi ko na kaya.
Kaya pakiusap,
Wag ka nang uulan pa.
Marami tayong kayang gawin,
Hindi natin alam kung ano ang dadating,
basta alam kong andyan ka pa rin,
hindi ko kailangan ng manimdim.
Wag ka lang uulan.
pag ako'y mag-isa.
Wag ka lang uulan.
wala akong kasama.
Dahil pag ako na lang sa kama,
naaalala at iniisip ka,
hindi ko na kaya.
hindi ko na kaya.
Kaya pakiusap,
Wag ka nang uulan pa.
Dahil pag ako na lang sa kama,
naaalala at iniisip ka,
hindi ko na kaya.
bumalik ka na.
Paki-usap lang,
Wag ka nang uulan pa.
0 comments:
Post a Comment