Pages

Tuesday, October 21, 2008

Taghoy ng Pulubi

Masukal ang salapi sa buhay, maginhawa.
Wari'y umuulan ng ngiti, ng tawa.
Wari'y mga tao, limot ang problema.

Subalit sa mundong tunay ang mabuhay,
hindi lingid sa puso ang pagpantay.
Lungkot at saya ay dagling magkaramay.

Buhay pa ba tayo?
Sa kabila ng pagtitiis at pagkahapo,
tayo'y mga kaluluwang pagod sa pag tago.

Marahil lahat tayo'y baliw.
Mga masokistang puso hanap ay giliw.
Pikit-matang kumakain ng pag-iibigang saliw.

Nakakatawa sa buhay, maginhawa.
Ang masukal sa tawa't pag asa
ay s'yang pulubing nanlilimos ng puso't memorya.

No comments: