Bumuo ka ng kastilyong buhangin,
Malayo sa dalampasigan.
Bumuo ka ng kastilyong buhangin,
Malayo sa pag-aalinlangan.
Sumayaw ka sa ulan,
Malayo sa kastilyong buhangin.
Sumayaw ka sa ulan,
Malayo sa isang damdamin.
Lusungin mo ang alon,
Malayo sa ulan.
Lusungin mo ang alon,
Malayo sa nakaraan.
Ngunit bakit ka magsisimula?
Ngunit bakit ganon ang tadhana?
Dahil lingid sa kaalaman ng buong daigdig,
Ganito kumilos ang dakilang pag-ibig.
Friday, May 09, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment